Pangarap

Dati isa din ako sa nangarap,

Naghangad, naniwala

Na sa bawat hakbang ko, sa bawat kilos ko

May mararating ako

Lisanin ang dating pook kung saan ako nalulugmok

May pighati, walang pag-asa

Ang daming luhang umagos

Dugo at pawis

Bagkus tumayo ako at nagsimula muli

Bumangon at hinarap ang bukas

Na may pag-asa, determinasyon

At muling sinubukan na mangarap.

Hanggang nakamit ko ang inaasam-asam

Na tagumpay at kaligayahan.

Pangarap na minsan di ko akalain

Na maging akin.

Advertisements